Kit Harington at Rose Leslie ikinasal na

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 06:00 AM

Kit Harington Instagram

Nag-isang dibdib na sina Kit Harington at Rose Leslie na kapwa kasama sa hit fantasy TV series na ‘Game of Thrones.’

Ikinasal ang dalawa sa Wardhill Castle sa Aberdeenshire, Scotland kung saan dumalo sa selebrasyon ang kanilang mga kasama sa ‘Game of Thrones’ na sina Emilia Clarke at Peter Dinklage.

Si Kit Harington ang gumaganap bilang Jon Snow sa nasabing fantasy TV series, habang si Rose Leslie naman ang gumanap bilang Ygritte hanggang 2014.

Bukod sa pagiging real life couple ay magkarelasyon din ang kanilang mga karakter.

Sa isang panayam kay Kit ay inamin niyang nakatulong sa kanilang off-screen romance ang pagiging magkarelasyon nila sa ‘Game of Thrones’ noong 2012.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.