Mga kababaihan pwede nang magmaneho sa Saudi Arabia

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 05:58 AM

AP Photo

Ngayong araw nakatakdang tanggalin ng Saudi Arabia ang kanilang ban sa mga kababaihan para magmaneho.

Sa buong mundo, tanging ang Saudi lamang ang nagpapatupad ng nasabing kautusan.

Inaasahan na magpapaganda sa ekonomiya ng Saudi ang pagtatanggal sa nasabing ban dahil magkakaroon ng mas malakas na partisipasyon ang mga kababaihan sa workforce na ang katumbas ay mas malaking household income.

Isang oportunidad din ang nakikita ng mga car dealers sa nasabing bansa sa pagtatanggal ng driving ban sa mga kababaihan.

Sa populasyon kasing 20 milyon, kalahati dito ay mga babae. Ibig sabihin, magiging bagong target market ng mga car dealers ang kababaihan.

Inaasahang tataas ng 6 hanggang 10 porsyento ang car sales dahil sa lifting ng driving ban sa mga babae.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.