Nasa 14 katao ang iniulat na nasawi sanhi ng pagragasa ng bagyong ‘Lando’ sa Luzon.
Mula ang bilang sa pinagsamang tala ng mga Inquirer bureau na kinuha mula sa mga lokal na tanggapan ng pulisya at lokal na Office of Civil Defense records.
Tatlo sa mga namatay ay iniulat na mula sa Nuva Ecija at Pangasinan samantalang apat ang naitala sa Zambales, Ifugao at Quezon City.
Tig-isa naman ang nasawi sanhi ng bagyo sa Mt. Province at Benguet.
Gayunman, sa opisyal na tala ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council o NDRRMC, nasa tatlo pa lamang ang opisyal na bilang ng namatay dulot ng bagyo.
Ayon pa sa NDRRMC, nasa mahigit 58 libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region.
Sa Nueva Ecija, may ilang mga bayan pa rin ang nakaranas ng hanggang leeg na tubig baha dahil sa ilang araw na pag-ulan.
Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa mga residenteng nakatira sa Pampanga, Agno at Cagayan river basin na huwag munang bumalik sa kanilang mga lugar.
Ito’y dahil inaasahang tataas pa ang tubig sa mga naturang ilog dahil sa pagbaba ng tubig-ulan mula sa kabundukan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.