Karne at poultry products posible na ring tumaas ang presyo

Kasunod ng pagtaas sa presyo ng bigas, asukal, at iba pang food commodities ay madaragdagan pa ang pasakit sa mga consumer.

Ito ay dahil sa kakulangan ng feeds na nakikitang dahilan upang sumipa na rin ang presyo ng karne at mga pultry products.

Ayon sa isang source, ang ilang mga local feed millers ay nakararanas ng kakulangan sa locally produced na mais na ginagamit nila sa paggawa ng feeds.

Dahil dito, tumaas ang presyo ng mga feed na magdudulot naman ng pagtaas sa halaga ng karne at poultry products sa mga susunod na araw.

Partikular na nakararanas ng shortage ang mga breeder ng baboy at manok sa Mindanao.

Sa ngayon, isa sa mga tinitingnang solusyon upang maibsan ang kakulangan sa mais ay ang pag-iimport ng feedwheat mula sa ibang bansa.

Ayon kay Philmaize Federation Inc. president Roger Navarro, pangunahing dahilan sa kakulangan ng mais ang hindi magandang panahon na nararanasan sa bansa. Hindi aniya nakakatulong sa pagpapatubo ng mais ang masyadong mainit o masyadong maulan na panahon.

Read more...