NoKor nananatiling nuclear threat — US President Trump

AFP Photo

Sa kabila ng kanilang summit, sinabi ni US President Donald Rrump na nananatili ang nuclear threat ng North Korea.

Ayon kay Trump, may “unusual and extraordinary threat” mula sa nuclear arsenal ng NoKor.

Una rito ay ipinagmalaki ni Trump ang umano’y tagumpay ng summit sa Singapore at nagtweet pa ito na wala nang bantang nuclear mula sa NoKor.

Pero sa presidential declaration na ipinadala sa US Congress, nakasaad kung bakit dapat panatalihin ng Estados Unidos ang mahigpit sa economic restrictions laban sa North Korea na unang ipinataw ni dating US President George W. Bush.

Ayon sa deklarasyon, ang peligro ng nuclear program ng North Korea ay patuloy na banta sa seguridad at ekonomiya ng Estados Unidos.

Read more...