PAO Chief Acosta: Death penalty dapat ibalik kaagad
Aminado si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na nagsisisi siya at kabilang siya sa mga grupo na nagtulak para alisin ang parusang kamatayan para sa mga mapapatunayang kriminal.
Sinabi ni Acosta na sa dami ng kanyang nasasaksihang krimen sa araw-araw ay pabor na siyang ibalik ang capital punishment sa bansa.
Sa panayam, sinabi ng opisyal na noong 2004 ay naging aktibo siya kasama ang ilang mga grupo sa kampanya para alisin ang death penalty sa Pilipinas kung saan sila nga ay nagtagumpay.
Ipinaliwanag pa ni Acosta na habang buhay ang mga kriminal ay kanila ring nilalabag mismo ang kanilang sariling buhay dahil sa paggawa ng kasamaan.
Inihalimbawa rin niya sa halimaw ang mga gumagawa ng krimen dahil kahit alam nilang mali ang kanilang ginagawa ay ipinagpapatuloy nila ito.
Kaugyan nito, nanawagan ang opisyal sa mga mambabatas na irekonsidera ang pagbabalik ng death penalty para sa kaligtasan ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.