Mga kumpanya ng langis may bigtime rollback sa presyo ng gasolina at diesel

By Den Macaranas June 23, 2018 - 07:29 PM

Inquirer file photo

Makaraang pumalo sa pinaka-mataas na presyo ang mga produktong petrolyo para sa taong ito ay isang bigtime rollback naman ang ipatutupad ng mga oil companies sa susunod na linggo.

Sa advisory na inilabas ng ilang insider sa oil industry, kanilang sinabi na aabot mula P1.20 hanggang P1.30 ang posibleng tapyas sa halaga ng gasolina kada litro.

Pagitan naman ng P0.90 hanggang P1.00 ang bawas sa bawat litro ng diesel samantalang P0.80 hanggang P0.90 ang para sa kerosene o gaas.

Wala ng inilabas na ulat ang mga oil companies para sa presyo ng auto LPG at cooking gas.

Ang nasabing rollback ay inaasahang ipatutupad sa Martes ng umaga.

Ang nasabing rollback ay bunga pa rin ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa world market at sa antas ng kalakalan sa ating bansa.

TAGS: bigtime rollback, disel, DOE, gasoline, kerosene, LPG, bigtime rollback, disel, DOE, gasoline, kerosene, LPG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.