Malacañang hindi natinag sa pressure ng U.N sa isyu ng human rights

By Len Montaño June 23, 2018 - 06:19 PM

Nanindigan ang Malacañang na hindi dapat diktahan ang Pilipinas para imbestigahan ang isyu ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon sa palasyo, proactive at tinutugunan naman ng gobyerno ang mga kaso nga pag-abuso lalo na ang may kaugnayan sa war on drugs.

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na ginagawa ng pamahalaan ang trabaho nito sa isyu ng human rights.

May imbentaryo anya ng mga umanoy napatay sa kampanya laban sa iligal na droga para malaman kung talagang nasunod ang tamang proseso.

Giit ni roque, hindi na kailangan ang panawagan ng mga dayuhan dahil may ginagawa ang gobyerno maski walang panawagan.

Pahayag ito ng Malacañang kasunod ng apela ng 38-member states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ng gobyerno ng Pilipinas ang human rights situation sa bansa.

TAGS: human rights council, Roque, U.N, War on drugs, human rights council, Roque, U.N, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.