Inquirer.net nagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa artikulo kaugnay kay Pepsi Paloma

By Den Macaranas June 23, 2018 - 04:49 PM

Inihayag ng Inquirer.net na nagsasagawa na sila ng sariling imbestigasyon kaugnay sa artikulong isinulat ng US-based writer na si Rodel Rodis may kinalaman sa Pepsi Paloma rape case noong 1982.

Pansamantala rin munang hindi mababasa ang mga artikulo ni Rodis habang on-going ang ginagawang imbestigasyon.

Ayon sa artikulong isinulat ni Rodis noong March, 2014, personal umanong kinausap ni Tito Sotto na ngayon ay Senate President ang sexy actress na si Pepsi Paloma.

Kinausap umano ni Sotto ang nasabing aktres para iurong nito ang kasong rape laban sa kanyang kapatid na si Vic at mga kapwa artista na sina Richie D’ Horsie at Joey De Leon.

Sinabi ng Inquirer.net na kanilang sinabihan si Rodis na maglabas ng mga patunay sa kanyang naging artikulo.

Nauna dito ay sumulat sa pamunuan ng Inquirer.net si Sotto kung saan ay kanyang hiniling na alisin ang nasabing artikulo dahil ito umano ay malisyoso at walang basehan.

Tinawag rin niyang fake news ang nasabing artikulo ni Rodis.

Binigyan ng pagkakataon si Rodis na sagutin ang nasabing pahayag ng mambabatas.

Sa kanyang Facebook post noong nakalipas na linggo ay inilagay ni Rodis sa kanyang wall ang kopya ng sulat ni Sotto.

Kanya ring sinabi na ang ginawa ng mambabatas ay isang direktang pakiki-alam para supilin ang freedom of the press sa ating bansa.

TAGS: inquirer, pepsi paloma, rodel rodis, Sotto, inquirer, pepsi paloma, rodel rodis, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.