Mayor at anak nito, dinukot sa Agusan del Sur

By Kathleen Betina Aenlle October 20, 2015 - 04:19 AM

 

Mula sa googlemaps

Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang alkalde sa Agusan del Sur at ang anak nito kahapon.

Hinihinalang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army ang dumukot kina Mayor Dario Otaza ng Loreto, Agusan del Sur at sa anak nitong si Daryl dakong alas-6:50 kagabi sa kanilang tahanan sa Brgy. Baan, Butuan City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Office of the President Undersecretary Emmanuel Bautista na nagsagawa na ng pursuit operations ang mga pulis at militar para tiyakin ang kaligtasan ng mga biktima.

Ani Bautista, isang matino at respetadong alkalde si Otaza na masugid na nagsusulong ng kaunlaran sa kanilang komunidad.

Ayon rin kay Bautista, si Otaza ay miyembro ng grupo ng mga indigenous na Manobo at dating rebelde.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.