CBCP official pabor sa mandatory drug test para sa mga batang 10 taon pataas

Sinabi ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na napapanahon ang plano ng Philippine Drug Enforcement Agency na isalang sa mandatory ang mga batang mag-aaral na may edad 10 pataas.

Ipinaliwanag ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Catechesis and Catholic Education na lubhang nakababahala na ngayon ang suliranin sa iligal na droga.

Sa panayam, sinabi ni Bishop Mallari na masyadong malalim ang problema sa bansa kung saan ay apektado na rin lalo na ang mga kabataan.

Hinikayat rin ng opisyal ng CBCP ang mga opisyal ng PDEA na gumawa ng paraan para maipaliwanag sa mga guro at magulang ang kanilang plano kaugnay sa mandatory drug test.

Nauna nang sinabi ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na nasa plano na nila ang mandatory drug test sa mga batang mag-aaral pero ito ay dadadaan pa sa dayalogo kasama ang mga magulang at mga opisyal ng Departmenr of Education.

Sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, tanging ang mga mag-aaral sa high school at college ang pwedeng sakupin ng random drug testing ng pamahalaan.

Read more...