Gobyerno pinagsusumite ng ulat ng U.N sa mga kaso ng human rights violation
Hinikayat ng 38-member states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang Pilipinas na makiisa sa pagbibigay ng ulat kaugnay sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Sa kanilang inilabas sa joint statement sa Iceland, kanilang sinabi na dapat ay maging bukas ang Pilipinas sa gagawing human rights situational assessment ng U.N.
“We urge the Government of the Philippines to cooperate with the United Nations system—including the Human Rights Council and its special procedure mandate holders—without preconditions or limitations,” bahagi ng kanilang pahayag.
Nauna dito ay sinabi ni U.N Special Rapporteur Agnes Callamard na dapat ay alisin ang bansa ang mga inilatag na kundisyon bilang pagsunod sa code of conduct and procedures ng U.N sa gagawing imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations.
Pero nanindigan naman ang Malacañang na hindi kwalipikado si Callamard na pangunahan ang gagawing imbestigasyon dahil sa kanyang mga naunang pahayag laban sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa inilabas na pahayag ng UNHRC, kanilang nilinaw na dapat ay sumunod pa rin ang pamahalaan sa panuntunan na titiyak sa karapatan ng mga taong isinailalim sa war on drugs.
Nanindigan rin ang grupo na dapat ay igalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga human rights defenders kasama na ang media sa paghahanap ng kasagutan sa mga nabiktima ng war on drugs.
Kabilang sa mga signatories sa nasabing panawagan ay ang Australia, Austria, Belgium, Bulgaria, Canada, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Georgia, Germany, Greece, Iceland, Ireland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Macedonia, Montenegro, Netherlands, New Zealand, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, Ukraine, United Kingdom, at U.S.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.