Ang pagkain o pagkonsumo ng isang kutsara ng olive oil kada araw ay pwede magpahaba sa buhay ng isang tao ayon sa ulat ng mga ekperto.
Sa aklat na “Eat Better Live Longer” nina Dr. Sarah Brewer at ng Dietitian na si Julliet Kellow ay kanilang ipinaliwanag ang medical benefits ng olive oil sa ating katawan.
Imbes na ordinaryong mantika, kanilang sinabi na mas makabubuti sa katawan ang olive oil dahil sa taglay nitong antioxidant properties.
Pinipigil umano ng olive oil ang paglaki ng cancer cells at binabawasan nito ang panganib na dulot ng heart attacks at stroke dulot ng cholesterol sa ating mga katawan.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na binabawasan ng olive oil ang damaging effects ng cholesterol, high blood pressure at age-related diseases sa ating pangangatawan.
Pero dahil mataas ang calories na taglay ng olive oil, ipinapayo nina Brewer at Kellow na dapat ay limitado lamang sa one tablespoon a day lamang ang pagkonsumo dito.
Bukod sa monosaturated fats na nagpapababa sa cholesterol, mayaman rin ang olive oil sa vitamin E na mabuti sa ating mga kutis, mata at immune system.
Sa U.S at Europe at isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan ay ang sakit sa puso at cancer.
Kaya payo nina Brewer at Kellow na imbes mga ordinaryong mantika at olive oil na lamang ang gamitin sa pagluluto.