PAO: Kulungan ng mga tambay dapat hiwalay sa mga kriminal

By Den Macaranas June 23, 2018 - 08:49 AM

Inquirer file photo

Inihirit sa pamahalaan at sa Philippine National Police ng Public Attorney’s Office (PAO) na dapat ihiwalay ng detention cell ang mga mahuhuling tambay.

Sinabi ni PAO Chief Perside Acosta na hindi dapat isama sa kulungan ng mga kriminal ang mga mahuhuling umiinom, naninigarilyo o kaya ay naka-istambay sa mga pampublikong lugar lalo na sa gabi.

Inihalimbawa ni Acosta ang kaso ni Genesis “Tisoy” Argoncillo na hinuli ng mga tauhan ng Novaliches Police Station dahil sa pagtambay.

Si Argoncillo ay hinuli noong gabi ng June 15 at napatay sa loob ng kulungan ng QCPD Station 4 noong June 19 makaraan umanong pagtulungang bugbugin ng dalawang miyembro ng Sputnik Gang.

Sinabi ni Acosta na naiwasan sana ang sinapit ni Argoncillo kung hindi siya isinama sa kulungan ng mga kriminal.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na dapat ay maging maingat ang mga pulis sa pagsita sa mga pinaniniwalaan nilang tambay at tiyakin na mapapangalagaan ang karapatan ng mga inaaresto.

TAGS: acosta, PAO, PNP, QCPD, tambay, acosta, PAO, PNP, QCPD, tambay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.