Anthony Bourdain hindi nag-droga bago magpakamatay ayon sa mga otoridad

By Den Macaranas June 23, 2018 - 08:41 AM

AP

Inilabas na ng local prosecutor office sa Paris, France ang resulta ng kanilang ginawang pag-otopsiya sa bangkay ng U.S celebrity chef na si Anthony Bourdain.

“No trace of narcotics, no trace of any toxic products, no trace of medicines, no trace of alcohol,” bahagi ng  pahayag ni prosecutor Christian de Rocquigny na inilabas sa media.

Kamakailan ay natagpuang wala nang buhay si Bourdain sa loob ng kanyang tinutuluyang hotel ng kanyang kaibigan na isa ring chef.

Ang 61-anyos na si Bourdain ang host ng food and travel documentary na “Parts Unknown” ay nasa France para sa taping ng nasabing TV show na napapanood sa CNN ng siya ay magpakamatay.

Sa ilang mga panayam ay nauna na ring inamin ni Bourdain ang kanyang pagiging drug at alcohol addict noong siya ay bata pa.

Makaraan ang pagpapakamatay ni Bourdain ay muling naging trending sa social media ang isyu ng depression na umano’y isa sa mga pangunahing dahilan ngayon ng suicide sa iba’t ibang mga bansa.

TAGS: bourdain, France, suicide, bourdain, France, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.