Meralco tinalo ng TNT sa PBA Commissioner’s Cup

Wagi ang TNT KaTropa laban sa Meralco Bolts sa kanilang naging tapatan kagabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Natapos ang laro sa iskor na 91-85 pabor sa KaTropa.

Dahil dito, nabali ang four-game winning streak ng Bolts at sa ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa torneo na mayroong 7-3 win-loss record.

Sa kalagitnaan ng third quarter ay kinailangan ng import ng KaTropa na si Joshua Smith na lumabas ng court matapos matamaan sa ilong ni Arinze Onuaku ng Bolts.

Pinangunahan ni Troy Rosario ang TNT sa pamamagitan ng kanyang 30 points at 12 rebounds.

Sinundan naman siya ni Jayson Castro na nakapagbigay ng 20 puntos at 6 na rebounds.

Sunod na makakaharap ng TNT ang Elastopainters na ngayon ay mayroon nang limang sunod na panalo.

Read more...