Klase suspendido pa rin sa ilang lugar ngayong araw
By Kathleen Betina Aenlle October 20, 2015 - 03:32 AM
Maraming klase pa rin ang nananatiling suspendido dahil sa bagyong Lando.
Sa tala ng Department of Education, walang pasok ngayong araw, October 20, ang LAHAT NG ANTAS sa mga pribado at pampublikong paaralan sa mga sumusunod na lugar:
- Dagupan
- Nueva Ecija
- Cavite Province
- Pangasinan Province
- San Fernando, La Union
- Cagayan Province
- Isabela Province
- San Miguel, Bulacan
- Balete, Batangas
- San Luis, Batangas
- Agoncillo, Batangas
- Alitagtag, Batangas
- Camiling, Tarlac
- Sta. Cruz, Zambales
- Subic, Zambales
Samantala, wala namang pasok ang mga PRESCHOOL hanggang HIGH SCHOOL sa mga sumusunod na lugar:
- Ilocos Sur Province
- Pampanga Province
- Malolos City
- Benguet Province
- Baguio City
- Batangas City
- Talisay, Batangas
- San Pascual, Batangas
- Mataas na Kahoy, Batangas
- Bauan, Batangas
- Lipa City, Batangas
- Malvar, Batangas
- Laurel, Batangas
- Olongapo City
Sa Padre Garcia, Batangas naman, mga PRESCHOOL lang ang idineklarang walang pasok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.