US President Trump nagbantang papatawan ng 20% tariff ang mga European cars

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2018 - 12:00 AM

AP Photo

Nagbanta si United States of America President Donald Trump na papatawaran na rin niya ng 20% tariff ang lahat ng mga sasakyang galing sa European Union.

Sa kanyang post sa Twitter, nagbabala si Trump na kung ang “Tariffs and Barriers” sa US cars ay hindi aalisin ay itutuloy niya ang naturang planong pagpapataw ng dalawampung porsyentong taripa sa lahat ng EU cars na papasok sa Estados Unidos, sabay sabing “Build them here!”

Matapos itong i-anunsyo ni Trump, ang auto stocks ng Europe ay bumaba ng isang porsyento.

Kabilang sa mga sasakyang galing Europa ay BMW, Volkswagen, Mercedes, Ford at General Motors.

Hindi na bago ang naturang hakbang ni Trump.

Kamakailan ay inanunsyo ni US President na patatawan niya ng 25% na taripa ang mga produkto mula sa China, na tinapatan ng naturang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.