DFA Sec. Cayetano at US Sec. of State Pompeo nagpulong sa Washington

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 07:08 PM

DFA Photo

Nagpulong sa unang pagkakataon sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at US Secretary of State Mike Pompeo.

Naganap ang pagpupulong sa Washington at tinalakay ang pagpapalakas pa ng alyansa ng Pilipinas at Amerika.

Inilarawan ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, na open and cordial ang pulong na nangyari sa State Department.

Binanggit din ni Cayetano kay Pompeo na positibo ang Pilipinas sa naging pagpupulong inna US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Pinasalamtan din ni Cayetano at ni National Security Adviser Hermogenes Esperon si Pompeo sa tulong ng Amerika sa Pilipinas sa pagsugpo ng terorismo at rehabilitasyon ng Marawi City.

TAGS: Alan Cayetano, Mike Pompeo, Radyo Inquirer, Alan Cayetano, Mike Pompeo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.