Isa sa malalaking test sites sa NoKor winasak na
Inumpisahan na ng North Korea ang proseso ng denuclearization.
Ayon kay US President Donald Trump, sinira na ng NoKor ang isa sa malaking test sites nito.
Magandang panimula aniya ito sa pangakong denuclearization ng NoKor matapos ang pagpupulong nila ni Kim Kong Un noong June 12.
Sa ulat naman mula sa Pyongyang, sinabi ng mga mamamahayag doon na serye ng pagsabog ang nadinig mula sa bahagi ng Punggye-ri test facility sa North Hamgyong province.
Ang Punggye-ri ang naging staging ground sa anim na isinagawang nuclear tests ng NoKor kabilang ang pinakahuli noon lamang September 2017.
Ang nasabing mga pagsabog na nadinig ay ang proseso ng pagwasak sa test site.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.