Drug test sa mga elementary student pinag-aaralan pa – PDEA

Inquirer.net Photo | Noy Morcoso

Nilinaw ni PDEA Director General Aaron Aquino na plano pa lang ang sinabi niyang isailalim na rin sa drug testing ang mga elementary pupil simula sa mga nasa grade 4.

Ginawa ni Aquino ang paglilinaw bunsod ng mga batikos na kanyang tinanggap hinggil sa kanyang pahayag.

Pagdidiin ni Aquino bubuo pa lang siya ng technical working group hinggil sa naturang plano.

Ang rekomendasyon aniya ng grupo ang kanyang ipiprisinta sa lahat ng sektor at dito niya malalaman kung maipapatupad ang kanyang plano.

Pagdidiin ni Aquino, kung hindi lulusot ang kanyang plano ay hindi naman niya ito ipipilit.

Dagdag pa ni Aquino na nais lang naman niyang ipaalam kung ano ang talagang sitwasyon ng droga sa mga paaralan.

Aniya may bata na ang edad ay anim na taon ang nagbebenta na ng droga.

Aminado rin ito na hindi pa sila nagkausap ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa drug testing ng mga elementary pupils.

Read more...