Bigas na inangkat sa Vietnam ipakakalat sa merkado ng NFA
Target ng National Food Authority na ipakalat na sa merkado ang bigas na inangkat mula sa Vietnam sa susunod na linggo.
Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, naipamahagi na ang 28,000 bags sa mga lalawigan, kabilang ang Bulacan at Pampanga mula June 18.
Nadiskarga na rin ang 5,000 bags para sa National Capital Region.
Aabot sa 250,000 metriko tonelada o limang milyong bags ng NFA rice mula sa gobyerno ng Vietnam at Thailand ang dumating para punan ang buffer stock ng bansa.
Naantala ang pagdiskarga ng mga ito sa mga pantalan ng Maynila at Subic, Zambales dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Samantala, sinabi ni Estoperez na inaasahang darating sa July at August ang ikalawang batch ng aangkating bigas na binili sa pribadong sektor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.