Heavy hanggang intense na pag-ulan nararanasan sa Metro Manila

Inuulan na ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito.

Alas 5:10 ng hapon nang maglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA kung saan nakasaad na nakararanas na ng heavy hanggang intense na buhos ng ulan ang Metro Manila partikualr ang Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig, Las Pinas, Muntinlupa, at Paranaque.

Nararanasan din ang malakas na buhos ng ulan sa mga bayan ng Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Dasmarinas, Gen. Trias, Bacoor, at Imus sa Cavite; gayundin sa Sta. Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Mabitac, Sta. Rosa, Binan, at SanPedro sa Laguna; sa mga bayan ng Malvar, Balayan, at Calaca sa Batangas; Tiaong, Quezon; Candelaria, Masinloc, Iba, at Cabangan sa Zambales; Gapan, Nueva Ecija; Bulacan at Rizal.

Ang mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac at Bataan ay makararanas dinng parehong lakas ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Pinag-iingat na ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagbaha na maaring maidulot ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...