Ilang lansangan sa QC at Maynila sasailalim sa road repair ngayong weekend
Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa pagpapatuloy ng kanilang road repair ngayong weekend sa ilang bahagi ng Quezon City at Maynila.
Kabilang sa maapektuhan ang bahagi ng EDSA at apat na iba pang kalsada simula alas 11:00 ng gabi mamaya (June 22).
Sa EDSA Quezon City kabilang sa apektado ang:
(Southbound)
- lagpas ng Arayat Street, 3rd lane mula sa sidewalk
- harap ng Francesca Tower hanggang lagpas ng Scout Borromeo, 3rd lane
(Northbound)
- malapit sa North Avenue, MRT Station, 2nd lane
Isasailalim din sa reblocking ang mga sumusunod na kalsada:
(Northbound)
- Batasan Road, mula Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan Street, 2nd lane
- H. Lacson Avenue malapit sa España; – Congressional Avenue bago mag-Mindanao Avenue, 3rd lane
- Fairview Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision
Matatapos ang repair sa nasabing mga kalsada alas 5:00 ng umaga ng Lunes, June 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.