Gabriela idinaan sa “boodle fight” ang protesta laban sa NEDA

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 05:22 PM

Inquirer.net Photo | RYan Leagogo

Idinaan ng grupong Gabriela sa “tambay boodle lunch” ang kanilang protesta sa National Economic Development Authority sa Pasig City dahil sa pagmamaliit umano ng economic managers sa epekto ng inflation sa mga mahihirap.

Ginawang ulam ng mga nakilahok ang chichirya bilang pagpapakita ng pagtaya ng NEDA sa P25 gastusin sa pagkain ng kada tao sa isang araw.

Kasabay nito, binanatan din ng Gabriela ang crackdown ng Philippine National Police sa mga tambay.

Iginiit ni Gabriela Representative Emmi de Jesus na ang mga itinuturing na tambay ng mga pulis ay ang mga walang trabaho o ang mga apektado ng endo (end of contract) na pinagkakasya ang kanilang pera sa pagkain.

Kaugnay nito, inakusahan ni De Jesus ang NEDA na ipinagkakait ang dagdag-sahod na hiling ng mga manggagawa.

Muli ring iginiit ng Gabriela na itakda ng gobyerno sa P750 kada araw ang national minimum wage.

TAGS: boodle fight, gabriela, neda, boodle fight, gabriela, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.