DOH magsasagawa ng Hepa B testing sa buong bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 05:09 PM

Radyo Inquirer File Photo

Magsasagawa ng Hepatitis B testing sa buong bansa ang Department of Health (DOH) para maiwasan ang pagkalat ng nasabign sakit.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III ang National Hepatitis B Sero-prevalence Survey ay isasagawa na sa 25 mga lalawigan sa buong bansa.

Ang proyekto ay suportado ng Research Institute for Tropical Medicine, United States Centers for Disease Control and Prevention, at ng World Health Organization (WHO).

Sa isasagawang nationwide testing program, sinabi ni Duque ang kanilang survey team ay magututungo sa mga randomly-selected na mga bahay at hihingin ang pahintulot ng magulang.

Target na maisailalim sa testing para sa Hepa B ang 3,000 mga bata nae dad 5 hanggang 6 na taon.

Nakiusap si Duque sa mga magulang na makiisa at payagan ang kanilang mga anak na maisailalim sa test.

Sa ilalim ng proseso, kukuhanan ng dugo ang bata para masuri sa hepatitis B.

TAGS: doh, Health, hepatitis b, raydo inquirer, doh, Health, hepatitis b, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.