Bagong sewerage treatment plant itatayo sa Boracay
Maglalaan ng P1.15 bilyon ang Boracay Island Water Co. para magtayo ng ikatlong sewerage treatment plant at sewer network sa isla.
Ipinahayag ni Boracay Island Water Co. General Manager at Chief Operating Officer Joseph Michael Santos na layunin nitong magbigay ng 100% sewer coverage sa isla pagsapit ng 2020 o 2012.
May kapasidad na limang milyong litro kada araw ang itatayong sewerage treatment plant, partikular sa Barangay Yapak.
Sa ngayon kasi, tanging 61% pa lamang ng Boracay ang sakop ng sewer network.
Ang dalawang central sewerage plants naman na nasa Barangay Balabag at Barangay Manoc-Manoc ay may kapasidad na 11.5 milyong litro lada araw.
Ayon kay Santos, target nilang masimulan ang pagtatayo ng bagong sewerage treatment plant sa susunod na taon at inaasahang matatapos sa loob ng isang taon.
Dagdag ni Santos, mayroon nang isang ektaryang lupaing nakuha ang Boracay Island Water Co. para sa proyekto.
Matatandaang isinara sa turismo ang isla ng Boracay para sa isalalim sa rehabilitasyon, partikular na para tugunan ang problema sa sewerage system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.