Humina pa lalo ang bagyong Lando matapos nitong makalabas sa Ilocos Norte.
Batay sa pinakahuling update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 45 km kanluran hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
May taglay itong hangin na aabot sa 95 kph at pagbugso na 120 kph.
Inaasahan itong kikilos sa direksyon na hilaga hilagang-silangan sa bilis na 6 kph.
Nasa ilalim pa rin ng public storm warning signal no. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao at Northern Cagayan kabilang na ang Calayan at Babuyan group of Islands.
Samantala signal no. 1 na lamang ang nakataas sa La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Batanes, Isabela, iba pang bahagi ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Mt. Province at Kalinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.