Bullying incidents sa mga paaralan, nabawasan

Bumaba ang bilang ng insidente ng bullying sa mga paaralan, ayon sa Department of Education o DepEd.

Batay sa latest data ng ahensya, mula 29,723 incidents na naiulat noong School Year 2015-2016 ay nasa 19,672 na insidente ang naitala sa School Year 2016-2017 o mahigit sampung libong pagbaba sa bilang.

Sa kabila ng “significant decrease” na ito, nilinaw ng DepEd na patuloy ang kanilang kampanya laban sa pambubully at child abuses.

Hindi lamang ang mga estudyante ang sakop nito, kundi mga magulang, guro, komunidad, lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.

Tuluy-tuloy din ang training ng Child Protection Specialist na itinalaga upang magbigay ng technical guidance sa mga eskwelahan ukol sa mga kaso ng child abuse.

Dagdag ng DepEd na ang mga guro at opisyal ng mga paaralan ang dapat manguna sa pagtuturo sa mga mag-aaral kaugnay sa kahalagahan ng respeto sa isa’t isa sa kabila ng magkakaibang opinyon, kasarian, lahi, relihiyon at maging moral at physical integrity.

Read more...