Bus na sangkot sa aksidente sa EDSA noong Martes, sinuspinde

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 04:26 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Pinatawan ng temporary suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bus line na Joyselle Express Inc. matapos masangkot sa aksidente ang bus nito EDSA-Magallanes noong June 19.

Sa tatlong pahinang kautusan ng LTFRB, pinatawan nito ng 30-araw ng suspensyon ang bus ng Joyselle na nasangkot sa aksidente at ikinasugat ng 19 na katao.

Nakasaad naman sa kautusan na isang unit lang ng Joyselle Express Inc. ang sakop ng suspensyon at ito ay ang may plakang RXD-328.

Sa loob naman ng 30-araw na suspensyon, inatasan ng LTFRB ang operator ng bus na inspeksyunin ang road worthiness ng nasabing bus na nasangkot sa aksidente.

Pinadadala din ito sa Land Transportation Office (LTO) partikular sa Motor Vehicle INspection Service (MVIS).

Ipinasasailalim sa road safety seminar ang driver ng bus at konduktor nito at kailangang sumailalim din sila sa compulsary drug testing.

Inatasan din ang operator na isuko muna sa legal division ng LTFRB ang plate number ng bus.

Binigyan lang din ang kumpanya ng 72-oras para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat tuluyang suspindihin at kanselahin ang kanilang prangkisa.

Nagtakda ng pagdinig ang LTFRB sa July 4, 2018, alas 9:00 ng umaga kung saan pinadadalo ang operator at driver ng bus.

 

TAGS: accident, bus, joyselle bus, ltfrb, accident, bus, joyselle bus, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.