Commissioner ng PACC umatras bilang complainant sa kaso vs ex-PNoy sa Dengvaxia

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 03:59 PM

Inquirer.net Photo | Julius Leonen

Umatras si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna bilang private complainant sa kasong kriminal na inihain sa Department of Justice laban kay dating pangulong Benigno Aquino III at iba pang opisyal kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia.

Sinabi ni Luna na delicadeza ang dahil ng kanyang pag-atras bilang complainant sa kaso.

Naniniwala ang opisyal na sa pag-atras niya bilang private complainant, maaalis na ang mga pag-aalinlangan sa regularidad at pagiging patas ng DOJ sa kaso.

Si Luna ay dating abogado para sa Volunteers Against Crime and Corruption at kabilang sa mga naghain ng kaso laban kina Aquino, dating Health secretary Janette Garin, dating Budget secretary Butch Abad at iba dahil sa komtrobersyal na dengue immunization program.

TAGS: Dengvaxia, Manuelito Luna, pacc, Dengvaxia, Manuelito Luna, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.