Metro Manila, mga kalapit na lalawigan muling makararanas ng malakas na ulan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 22, 2018 - 02:52 PM

Muling uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:20 ng hapon, makararanas muling ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, at Bulacan sa susunod na dalawang oras.

Sa ngayon ayon sa PAGASA, inuulan na ang ilang bahagi ng Batangas partikular ang mga bayan ng Malvar, Balete, Lipa, at Padre Garcia; mga bayan ng Dasmarinas, Gen. Mariano Alvarez, at Carmona sa Cavite; San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, at Famy sa Laguna; Tanay, Rizal at ang Gen. Nakar at Calauag sa Quezon.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng maidulot ng mararanasang pag-ulan gaya ng pagbaha at landslides.

Magugunitang noong Huwebes marami ang na-stranded matapos na bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila na nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar.

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.