Kaso ni Genesis Argoncillo sinisiyasat na ng CHR
Iniimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ni Genesis argoncillo alyas tisoy na pinatay ng kapwa preso habang nasa kustodiya ng pulisya.
Ayon kay CHR Spokesperson Jackie De Guia, tutukuyin sa imbestigasyon ang posibleng pananagutan ng mga pulis sa pagkasawi ni Argoncillo.
Pinaalalahanan ni De Guia ang mga pulis na maski mga bilanggo ay may mga karapatan na dapat proteksyunan.
Ang posibleng kapabayaan anya ng pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng preso ay maikukunsiderang torture o karahasan sa ilalim ng Republic Act 9745 at Convention Torture.
Inaresto si Argoncillo dahil umano sa pagwawala pero sinasabi ng pamilya nito na basta na lang umano ito dinampot sa operasyon ng pulisya laban sa mga tambay, bagay na itinanggi ng otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.