Madrid Fusion Manila na gaganapin sa Setyembre ipinagpaliban ng DOT

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 02:21 PM

Ipinagpaliban ng Department of Tourism ang Madrid Fusion Manila na nakataka sana sa Setyembre.

Sinabi ni Toursim Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kapos kasi ang oras para sa paghahanda sa naturang food expo.

Ipinahayag ni Puyat na nakausap niya na ang organizers sa ibang bansa na sa halip na sa Setyembre, sa susunod na taon na lamang ito isasagawa.

Kaugnay nito, pumalag ang kalihim sa mga kritikong nagsasabing mas binigyang pansin ang kulturang Español sa mga nakalipas na edisyon ng Madrid Fusion Manila.

Iginiit ni Puyat na binigyang halaga ng event ang mga magsasaka sa bansa.

TAGS: Fusion Manila, Fusion Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.