Metro ng 29,000 na taxi isasailalim sa re-calibration

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 02:06 PM

Isasailalim sa re-calibration ang metro ng 29,000 taxi para sa mas mataas na singil, ayon sa Land Transportation and regulatory Board.

Sisingil na ng P13.50 kada kilometro liban pa sa P40 na flag down.

Aalisin ang P2 waiting time, pero ipapalit dito ang singil na P2 kada minuto ng byahe.

Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, tanging ang mga taxi na mayroong hailing apps gaya ng MyCab ang maaaring sumailalim sa recalibration para maiwasan ang mga manloloko.

Nakatakdang i-recalibrate ang taxi meters sa July.

Una nang inaprubahan ang pagbabago sa singil sa taxi sa huling bahagi ng 2017.

TAGS: lto, meter calibration, Taxi, lto, meter calibration, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.