Dating sexy actress arestado matapos mahulihan ng ilegal ng droga

Arestado ang isang dating aktres at partner nito matapos silang makuhanan ng iligal na droga sa San Fernando Pampanga.

Sa report mula sa Police Region 3, walong sachet at limang improvised tooters na naglalaman ng shabu, dalawang plastic bottles ng soft drinks na may laman na umanoy illegal substance ang narekober kina Michelle Comstock at Mariano Camacam.

Si Comstock na kilala sa screen name na Brigitte De Joya ay lumabas sa mga pelikulang Kangkong at Gigil na ipinalabas noong 2000.

Naaresto ang dating starlet at kasama nito bunsod ng warrant na inilabas ng Regionatl Trial Cbranch 46.

Nakumpiska rin sa dalawang suspects ang weighing scale at bungkos ng basyo ng mga plastic sachets.

Inaresto sila ng joint elements ng pnp pampanga provincial drug enforcement unit at ng special weapons and tactics unit.

Nahaharap sina Comstock at Camacam sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Read more...