5 pulis Novaliches sinibak sa pwesto

FB Photo | Genesis Argoncillo

Sinibak na sa pwesto ang limang pulis mula sa Novaliches Police Station (Station 4) ng Quezon City Police District (QCPD).

Ito ay kaugnay ng pagkamatay ng bilanggong si Genesis “Tisoy” Argoncillo habang nasa kanilang kostodiya.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, lima ang sinibak sa pwesto epektibo kahapon, June 21 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Iginiit ni Esquivel na patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon sa pagkasawi ni Argoncillo.

Lahat aniya ng sangkot ay isasailalim sa pagsisiyasat lalo na ang mga pulis na naka-duty nang mangyari ang insidente.

Una rito ay dalawang preso ang sinabi ng QCPD ang nasa likod ng pambubugbog kay Argoncillo na ikinasawi nito.

Read more...