Nang tanungin kung bakit hindi nagsagawa ng operasyon kontra tambay ang pulisya sa exclusive villages at mararangyang lugar, sinabi ni Eleazar na wala namang mga tambay sa lugar at wala ring nag-iinuman sa kalye.
Dagdag ni Eleazar, mayroon namang mga gwardya ang mga lugar na nagpapanatili ng seguridad sa lugar. Aniya, handa naman ang puliya na tumulong kung kinakailangan ng dagdag na pwersa.
Nilinaw rin ni Eleazar na hindi lahat ng tambay ay hinuhuli ng pulisya, maliban na lamang kung mayroon silang ibang nilabag na batas o ordinansa. Ilan sa mga ito ang mga walang damit pang-itaas, pag-iinuman sa pampublikong lugar at panningarilyo.
Tiniyiak naman ni Eleazar na walang karapatang pantao na malalabag sa crackdown laban sa mga tambay.