Mahihirap hindi target sa crackdown kontra tambay – NCRPO

By Rohanisa Abbas June 22, 2018 - 12:05 PM

Itinanggi ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar na target ng crackdown laban sa mga tambay ang mga mahihirap.

Nang tanungin kung bakit hindi nagsagawa ng operasyon kontra tambay ang pulisya sa exclusive villages at mararangyang lugar, sinabi ni Eleazar na wala namang mga tambay sa lugar at wala ring nag-iinuman sa kalye.

Dagdag ni Eleazar, mayroon namang mga gwardya ang mga lugar na nagpapanatili ng seguridad sa lugar. Aniya, handa naman ang puliya na tumulong kung kinakailangan ng dagdag na pwersa.

Nilinaw rin ni Eleazar na hindi lahat ng tambay ay hinuhuli ng pulisya, maliban na lamang kung mayroon silang ibang nilabag na batas o ordinansa. Ilan sa mga ito ang mga walang damit pang-itaas, pag-iinuman sa pampublikong lugar at panningarilyo.

Tiniyiak naman ni Eleazar na walang karapatang pantao na malalabag sa crackdown laban sa mga tambay.

TAGS: crackdown vs tambay, NCRPO, Oscar Albayalde, crackdown vs tambay, NCRPO, Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.