2 preso kakasuhan ng murder sa pagkamatay ni Genesis Argoncillo

Sasampahan ng kasong murder ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa preso na may kinalaman sa pagkasawi ni Genesis “Tisoy” Argoncillo.

Ayon kay director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., ang dalawang suspek ay kapwa preso din sa QCPD Station 4 kung saan nakulong si kung saan nasawi si Tisoy.

Kinilala ang mga ito na sina Richard Bautista at Justine Mercado.

Ang dalawa umano ang nanakit kay Tisoy na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Bago ito sinabi ng QCPD na dumaing ng paninikip ng paghinga si Tisoy at dinala sa ospital.

Sa unang pahayag ng QCPD noong Huwebes, walang sinabi na ginulpi o sinaktan ng mga kapwa niya preso si Tisoy.

Read more...