“Aktres naanakan ng matandang mayor” – WACKY LEAKS ni DEN MACARANAS
Walang kupas ang pagiging matulis ng pulitikong bida sa ating kwento ngayong araw.
Isang magandang young actress ang napabilang sa mahabang listahan ng mga babaeng nabiktima ng kanyang romantikong panliligaw.
At hindi lang basta napasagot ni Sir ang young actress kundi ito ay na-asembulan pa nya ng isang anak na isinilang sa U.S ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.
Ayon sa ating Cricket, iyun daw ang dahilan kung bakit ilang linggong absent sa kanyang tanggapan sa city hall si Mr. Mayor.
Bumiyahe siya sa U.S para alalayan ang panganganak ng kanyang bagong sweetheart na kung tutuusin ay halos apo na lamang nya.
Kaya pala kamakailan ay naging isyu ang pag-aaway umano ng isa sa mga kinakasama ni mayor at ng isang aktres na siya namang ina ng aktres na naanakan ni mayor.
Sinabi ng ating Cricket na malamang ay kumapit na sa patalim ang pamilya ng young actress makaraan ang sunud-sunod na pagsubok sa kanilang buhay.
Bukod sa bihira na ang project ng nasabing artista ay nagkaroon rin ng malubhang sakit ang kanyang ama na kalaunan ay namatay rin.
Ikuwento pa ng aking Cricket na ang nangyari sa ating bida ay naganap rin sa buhay ng kanyang ina noong ito ay isa pa lamang na young actress noong dekada 80.
Ang artista kasing nanay ni young actress ay iginarahe rin ng isang matandang pulitiko na siya namang tunay na ama ng bida sa ating kwento.
Kaya malamang ay iyun rin ang dahilan kaya hindi na tumutol ang nasabing ina sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak sa matandang mayor mula sa isang kilalang lungsod sa ating bansa.
Ang mayor na sinasabing bagong ama sa kabila ng kanyang pang lolong edad ay si Mayor J…as is Joy.
Ang magandang actress naman na kanyang naanakan na ngayon ay nananatili pa rin sa U.S ay si Miss A..as in Always.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.