7.4M na turista na target ngayong 2018 kayang maabot ayon sa DOT

By Jan Escosio June 22, 2018 - 08:56 AM

Kumpiyansa ang Department of Tourism na maabot pa ang 7.4 milyong turista sa bansa ngayon taon.

Sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Puyat, ang target ngayong taon ay mas mataas ng 12 percent sa naitalang 6.62 milyon noong nakaraang taon.

Aniya ang pagdami ng bilang ay dahil sa nadagdagang bilang ng mga Chinese tourists na nagpupunta sa bansa, gayundin ng Australians.

Dagdag pa nito doble kayod ang kanilang ginagawa para maibsan ang epekto ng pagsasara ng Boracay sa target nila sa tourist arrival.

Sinabi ni Puyat na iniaalok nila ang ibang alternatibong tourist spots.

Nabanggit ng kalihim na malaking tulong din ang pagbubukas ng bagong Mactan International Airport at ang pagbubukas ng Panglao Airport sa Bohol.

Tiniyak din nito na nakakasunod pa rin sila National Tourism Development Plan 2022.

Kinakailangan lang aniya na makipagtulungan sila sa DILG para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas para sa pangangalaga ng kalikasan.

TAGS: Department of Tourism, Radyo Inquirer, tourist arrival, Department of Tourism, Radyo Inquirer, tourist arrival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.