Mag-asawa arestado sa online financial scam; P58M ang natangay sa mga investor

By Radyo Inquirer June 22, 2018 - 08:40 AM

CONTRIBUTED PHOTO

Arestado ang mag-live in partner na founder ng isang online financial scam sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Allysa Marine Jimenez at Jocris Recian, kapwa residente ng Barangay San Rafael Rodriguez, Rizal na nadakip sa operasyon ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ng NCRPO sa isang fast food chain sa Quezon Avenue kanto ng D.Tuazon.

Ang dalawa ay inireklamo ng mga nabiktima sa kanilang online financial scam kung saan pinapangakuan sila ng 5 percent na interest kada linggo sa perang kanilang nai-invest.

May binuo pang group chat ang babaeng suspek sa Facebook na “Allysas’s Micro Online Financing” kung saan siya nakikipag-transaksyon sa mga investor.

Ayon sa NCRPO, aabot sa P58 million ang kabuuang halaga ng natangay ng mga suspek mula sa nasa 600 investors.

Nakuha mula sa dalawa ang isang booklet ng collection receipt at P1,000 na ginamit na boodle money.

TAGS: Micro Online Financing Scam, Online Investment Scam, Radyo Inquirer, Micro Online Financing Scam, Online Investment Scam, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.