18-anyos patay matapos tamaan ng kidlat sa Cebu

Patay ang isang 18 anyos makaraang tamaan ng kidlat sa Toledo City sa Cebu.

Nasa ilalim ng puno si Fail Gelig sa Barangay Casoy nang maganap ang insidente.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Roxam Enerio, dumalo lang sa fiesta sa naturang barangay si Gelig.

Nagtamo ito ng sunog sa noo at isinugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Noon lamang Martes, isa ring lalaki ang tinamaan ng kidlat sa bayan naman ng Argao sa Cebu.

Read more...