Dalawang lalaki arestado ng QCPD; 8 kilo na marijuana nasamsam ng mga pulis

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon June 22, 2018 - 06:36 AM

Contributed Photo

(UPDATE) Aabot sa P300,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 7 sa isinagawang operasyon sa C. Victorino St. Villa Alfonso, Barangay Bambang, Pasig City.

Ayon kay Quezon City Police District Director C/Supt. Joselito Esquivel, naaresto sa operasyon sina Jayyon Proda at Julius Cesar Ilagan.

Sinabi ni Esquivel na nagsagawa ng drug buy bust operation ang kanyang mga tauhan kung saan isa ang nagpanggap ba buyer at habang inaabot ang marijuana ay saka dinakma ang mga suspek.

Nabatid na nauna nang nasagawa ng operasyon ang pulisya sa isang fast food sa Cubao, Quezon City kung saan naaresto ang dalawang suspek at isa rito ay minor de edad nanakuhanan ng P10,000 halaga ng marijuana.

Itinuro ng mga ito ang suspek na si Proda na pinagkukunan nila ng marijuana.

Nakuha mula sa dalawang suspek anf walong kilong pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug parapernalia.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga naarestong suspek.

TAGS: Marijuana, quezon city, Radyo Inquirer, Marijuana, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.