Maguindanao, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Maguindanao ala-5:26 ngayong umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong siyam na kilometro Silangan ng bayan ng Buldon.

May lalim ang pagyanig na pitong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

 

 

 

Read more...