Habagat patuloy na makakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon
Patuloy na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Ilocos Region, Palawan, Zambales at Bataan dahil sa southwest monsoon o Habagat.
Batay sa 4am weather forecast ng PAGASA, ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon na may mataas na tyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Tinatayang aabot sa 37 degrees Celsius ang temperaturang mararanasan sa Tuguegarao City at 32 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
Maaliwalas na panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao at hindi inaasahan ang matagalang mga pag-ulan ngunit may mga pag-ulang mararanasan dulot lamang ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.