Magnitude 5.4 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro
(Update) Nakaranas ng magnitude 5.4 na lindol ang Occidental Mindoro dakong alas 9:50 ng gabi, Lunes.
Sa record ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology o PhiVolcs, namataan ang episentro ng paggalaw ng lupa sa silangang bahagi ng Looc, Occidental Mindoro na may lalim na 100 kilometers.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
-Intensity 5:
Looc, Abra de Ilog at Paluan Occidental Mindoro, Batangas City
-Intensity 4:
Muntinlupa, Pasay, Tagaytay, Mandaluyong, Makati, Parañaque, Calamba City, Puerto Galera, Oriental Mindoro, San Pedro City Laguna, Canlubang Laguna, Mamburao Occidental Mindoro, General Trias Cavite, at Bacoor Cavite.
-Intensity 3:
Angeles City Pampanga, Calapan, Quezon, Mandaluyong, Taguig, Manila City, Talisay at Agoncillo Batangas, Malolos, Obando at Bulacan, Bulacan.
Intensity 2:
Pasig, Antipolo, Las Piñas City, San Jose Occidental Mindoro, Plaridel at Marilao Bulacan, Pateros, Metro Manila, Lucban, Quezon.
Wala namang naiuulat na pinsala sanhi ng naturang lindol.
Hindi rin nagtaas ng tsunami warning ang Phivolcs dahil sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.