‘Hijab troopers’ tutulong sa rehabilitasyon ng Marawi

Nagtalaga ang Philippine Army ng mahigit 100 personnel kabilang ang tinatawag na mga “hijab troopers” para tumulong sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Sa send-off ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City sa 130 personnel ng 12th Civil-Military Operation “Kabukdulan” Battalion and “Hijab troopers,” sinabi ni Army spokesperson Lietenant Colonel Louie Villanueva na ang dagdag tropa ay sa ilalim ng operational control ng Joint Task Froce Ranao.

Tutulong ang 12th CMO Battalion troopers sa JTF Ranao sa pagtukoy ng ligtas na lugar para sa recovery, reconstruction at rehabilitasyon ng Task Force Bangon Marawi.

Tutugunan din ng tropa ang umanoy recruitment at exploitation ng natitirang miyembro ng ISIS-Maute Group sa lungsod.

Ayon kay Villanueva, aayuda ang hijab troopers sa internally displaced persons gayundin sa pagkakaroon ng peace education at psycho-social intervention sa Marawi.

Read more...