Pamahalaan umaalalay sa mga nastranded dahil sa ulan

Dahil sa dami ng mga taong nastranded dahil sa pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila, umayuda na ang gobyerno.

Ayon kay Atty. Aileen lizadam tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) may mga truck ng Philippine Coast Guard ang dineploy upang maisakay ang mga stranded na pasahero.

Sinabi ni Lizada na batay sa PSG, M-45 truck at Isuzu light truck ang dineploy.

Ang libreng sakay ay may rutang Magallanes, Makati patungong Cubao, Quezon City.

Ang joint quick response team ay nagpabiyahe na rin ng rescue truck sa Mandaluyong City, na ga-tuhod ang baha.

Kung may stranded pang pasahero, sinabi ni Lizada na maaaring tumawag sa hotline 136 ng MMDA upang mabigyan sila ng ayuda.

Pasado alas-5 ng hapon bumuhos ang napakalakas na ulan, na may pagkulog at pagkidlat, na ayon sa PAGASA ay naranasan sa buong kalakhang Maynila at mga lalawigan sa Luzon.

Read more...